Suplay ng Bigas sa Bansa, May Kakulangan- SINAG

Cauayan City, Isabela- Tinatayang nasa 3 million metric tons ang kinakailangan ng bansa sa usapin ng suplay ng bigas lalo pa’t humaharap ang mundo sa krisis dahil sa virus.

Ayon kay Ginoong Rosendo So, Pinuno ng Samahan ng Industriya ng Agrikultura (SINAG), tuloy-tuloy pa rin aniya ang pag-angkat ng bigas sa ibang bansa upang makatugon sa pangangailangan ng bawat pamilya.

Giit ni So, umaabot sa 1.5 metric tons ang importation sa mga bigas kada taon habang pinaiiral pa rin ng gobyerno ang hindi pag-aangkat ng sagad o yung unti-unti pagpasok ng suplay ng bigas sa bansa.


Inaasahan sana ang pagiging sufficient sa suplay ng bigas ang bansa noong panahon ni dating Pangulong Aquino hanggang sa bumagsak ang importasyon sa 87% at dahilan para bumagsak din ang presyo ng palay sa P12 noon.

Ang Probinsya ng Isabela ang ikalawa sa bilang na mataas na nagsusuplay ng bigas sa buong bansa.

Facebook Comments