
Walang dapat ipag-alala ang publiko sa suplay ng bigas sa hanggang sa pumasok ang panahon ng tag-ulan.
Ayon kay National Food Authority (NFA) Administrator Larry Lacson, patuloy na tumataas ang suplay ng bigas sa bansa kaya makaaasa ang mga Pilipino na dumating man ang kalamidad at bagyo ay tiyak na huhugutin mula sa mga bodega.
Hindi nakaapekto sa kabuuang suplay ang bentahan ng bente pesos per kilong bigas dahil patuloy din ang kanilang pagbili ng palay sa mga magsasaka.
Mula Enero, nakabili aniya ang NFA ng 4.6-milyong sako ng palay sa mga magsasaka, na higit pa sa kanilang target na 3.6-milyong sako.
Sa ngayon aniya ay aabot sa 414,000-metric tons ang suplay ng bigas sa bansa, na sapat para sa loob ng labing isang araw.
Tiniyak naman ng opisyal ang kanilang patuloy na pagsisikap para mapataas ang bentahan ng palay, kasunod ng mga ulat na ilang trader ang nambabarat sa mga magsasaka.
Sa kasalukuyan, binibili ng NFA sa halagang ₱19 per kilo ang mga fresh na palay sa Regions 1, 2, at 3, habang ₱18 per kilo sa nalalabong bahagi ng bansa, at ₱24 per kilo naman sa mga tuyong palay.









