SUPLAY NG BIGAS SA NFA WAREHOUSE SA PANGASINAN, SAPAT

Patuloy ang pagsusuplay ng National Food Authority Warehouse sa Eastern Pangasinan ng sako-sakong bigas sa mga bayan na apektado ng nagdaang habagat at bagyo.

 

Noong nakaraang linggo, nasa 3,750 sako ng bigas ang naipamahagi ng tanggapan sa mga lokal na pamahalaan tulad ng Binmaley, Lingayen, Manaoag, Alaminos City at Office of the Civil Defense Region 1 na nagsumite ng request para sa relief operations.

 

Sa kabila ng patuloy na relief operations sa lalawigan, tiniyak ng tanggapan na sapat ang suplay ng bigas upang matugunan ang pangangailangan. Nasa higit 520,000 sako ng bigas ang kasalukuyang nakaimbak sa warehouse ayon sa pamunuan ng NFA Eastern Pangasinan.

 

Kaugnay nito, nakahanda rin magsuplay ng bigas ang karatig opisina ng National Food Authority bilang seguridad sa pagkain ngayong may sakuna. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments