Manila, Philippines – Paparating na rin sa linggong ito ang caravan ng dalawampung trailer trucks mula sa Region 2 dala ang 14,000 bags ng bigas para sa Metro Manila.
Tinagurian itong tulong sa bayan caravan mula sa Isabela rice millers na bahagi ng pangako kay Pangulong Rodrigo Duterte na suplayan ang mga pamilihan ng murang commercial rice habang hinihintay ang pagdating ng inangkat na bigas ng National Food Authority (NFA).
Tulad ng mga naunang delivery mula sa Nueva Ecija traders, ang bigas mula sa Isabela ay ibebenta sa pamilihan sa Metro Manila sa halagang 39 piso kada kilo.
Inaasahang darating sa Metro Manila ang 20 trailer trucks sa Martes.
Ang mga bigas ay diretso nang ihahatid sa mga assigned wholesalers at retailers sa Tondo, Malabon, Caloocan, Marikina, Batasan hills at Parkway village sa Quezon city, Parañaque, at sa Tanza, Cavite.