Suplay ng bulaklak sa Baguio para sa Undas, sapat sa kabila ng mga nagdaang bagyo

Sa kabila ng nagdaang mga bagyo na sumira sa mga taniman ng bulaklak sa Benguet, nananatiling marami at sapat ang suplay ng bulaklak para sa darating na Undas.
 
Ayon sa flower vendor at supplier na si Anthony Lleung, hindi magkukulang at maaaring sumobra pa ang suplay ng bulaklak para sa Nobyembre 1 at 2.

Dagdag pa niya, bagama’t may mga nasirang taniman ng bulaklak ang mga nagdaang bagyo, hindi apektado ang isusuplay pa niyang mga bulaklak sa Bulacan, Pangasinan, at Cagayan.

Mataas naman ngayon ang demand ng mga bulaklak sa public market para sa mga sunflower, gayundin sa rosas na nasa P80–P400 depende sa piraso, at Malaysian mums na nasa P100–P150.

Facebook Comments