Posibleng umabot sa 160 million ang suplay ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas bago matapos ang 2021.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., umabot na sa 77,4 million COVID-19 vaccines ang natanggap ng bansa na kinabibilangan ng iba’t ibang brands.
Target naman gobyerno na makatanggap ng 100 million bakuna sa ikaapat na quarter ng taon.
Sa ngayon, pinaplano na ng gobyerno na makapagturok ng 100 million doses bago matapos ang taon.
Tinatayang nasa 45 million doses ng COVID-19 vaccines ang naituturok sa bansa kung saan 23 million ang nakatanggap na ng ikalawang dose o ‘yong mga fully vaccinated.
Facebook Comments