Mababa o hindi pa rin sumasapat ang suplay ng dugo sa buong bansa, kaya puspusan ang kampanya ng health authorities para mapunan ito.
Ayon kay Dr. Gerald Dioquino, Blood Donor Recruitment Manager ng Region 1 Medical Center, hindi pa rin maipantay ang pangangailangan sa dugo sa suplay na mayroon sa mga blood banks.
Dahil dito, patuloy ang kanilang panawagan sa mga taong qualified na makapagdonate ng dugo.
Kahapon, sa isinagawang blood donation project ng RMN Networks katuwang ang RMN Foundation at IFM Dagupan bilang parte ng ika-73 anibersaryo ng RMN, umabot sa 32 bags ng dugo ang nakolekta. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









