Suplay ng fireworks, may kakulangan na ayon sa Bulacan Pyrotechnics Regulatory board

Nagpaalala ang Bulacan Pyrotechnics Regulatory board sa publiko na agahan na ang pag-bili ng mga fireworks dahil may kakulangan na ng supply nito.

Ayon kay Jovenson Ong Bulacan pyrotechnics Regulatory board president, kakaunti  na ang gumagawa ngayon ng mga fireworks o pyrotecniks.

Sinabi ni Ong na isa sa dahilan ng pagbaba ng bentahan ng pyrotecniks ay ang maling pagkaintindi sa Executive Order number 28 na nagtatakda na pwedeng gamitin sa labas ng bahay ang mga pyrotechnics.


Ang ipinagbabawal lamang ay ang pag gamit ng mga iligal na paputok kagaya ng piccolo at iba pang katulad na paputok na ipinupuslit o smuggled.

Gayundin, ang pag alis ng mga pamilya sa Pilinas upang magdiwang ng bagong taon sa iba bansa dahil mayroon doon makukulay na pyrotechnics.

Anya dapat Tangkilikin ang Mga Pyrotecniks na Ligtas at pumasa sa Quality Control.

Facebook Comments