Cauayan City, Isabela- Kinumpirma ng Department of Trade and Industry (DTI) Isabela na may kakulangan na ng suplay ng ilang gadget gaya ng laptop maging ang gamit sa pag-iimprenta ng modules ng isang estudyante kasabay ng papalapit na pagbubukas ng klase.
Ayon kay DTI Provincial Director Winston Singun, sa kabila ng pagtaas ng demand ng blended learning ng Department of Education (DepEd) ay ang mabilis na pagkaubos naman ng mga suplay na gagamitin ng ilang mag-aaral.
Sa kanilang ginawang pag-iikot sa ilang lugar sa Isabela, nabatid na tumaas ang demand ng ilang kagamitan ay siya namang kakulangan ng mga suplay sa ngayon.
Inamin ni Director Singun na nahirapan silang maisama sa mga Basic Necessities and Prime Commodities (BNPCs) para malagyan sana ng Suggested Retail Price (SRP) ang presyo ng ilang gadgets ngayong nalalapit ang pasukan sa Oktubre.
Samantala, tumaas din ang demand ng ilang papel na ginagamit sap ag-imprenta ng module kung kaya’t may kakulangan na rin sa suplay nito.