Matiwasay ang pagpapatupad ng community quarantine sa bayan ng Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao sa gitna ng COVID-19 crisis.
Ayon kay Municipal Administrator Kaharudin Dalaten, maayos naman na nasusunod ang guidelines na itinakda ng provincial government upang makontrol o ma-manage ang movements ng mamamayan.
Kaugnay nito, para di na mamoblema ang mga magsasakang residente ng bayan ng DAS, mismong ang LGU na nito ang namimili ng mga produktong gulay. Sa katunayan toni-tonelada ngayon ang suplay ng gulay sa kanilang bayan.
Kabilang na rito ang Kalabasa, Talong , Okra, Kamatis. Sili (Atsal) at maraming iba pa dagdag pa ni Admin Dalaten.
Dahil dito, naging suplayer ngayon ng Gulay ang DAS sa mga kalapit bayan nito. Sinasabing noon pa man ay naka-ugalian na sa bayan ang pagtatanim ng gulay ayon pa kay Delatin.
Samantala , napag-alaman ng DXMY na ang mga nakuhang suplay na gulay mula DAS ang nagsisilbi namang ayuda ng bayan ng Datu Anggal Midtimbang sa kanilang mga kababayang naapektuhan ng krisis.
Bukod sa DAS , mismong ang LGU Datu Blah Sinsuat rin ang namimili ng tone- toneladang isda ng kanilang mga kababayang mangingisda.
Ang LGU DBS na rin ang nagbibenta nito sa mga kalapit bayan para maisigurong hindi na lalabas pa ang mga residente ng kanilang bayan para lamang makapaghanap buhay.
DAS LGU PICS
Suplay ng Gulay at Isda , No Problem sa Maguindanao kasabay ng COVID- 19 Crisis
Facebook Comments