Suplay ng isda, bababa sa unang quarter ng 2023 – PAMALAKAYA

Nagbabala ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA), na bababa ang produksyon ng isda sa unang quarter ng 2023.

Ayon kay PAMALAKAYA Spokesperson Ronnel Arambulo, ito’y dahil sa pagtaas ng produktong petrolyo na pangunahing gastusin ng mga mangingisda.

Nasa 80% kasi ng mga gastusin ng mga mangingisda ay napupunta sa petrolyo.


Hindi na aniya makaahon sa pagkalubog ang mga mangingisda dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Marami rin sa mga ito ay tumigil na sa pangingisda at naghanap na ng ibang kabuhayan.

Dagdag pa ng grupo, kapag bumagsak aniya ang suplay ng isda ay tiyak na tataas ang presyo nito sa mga pamilihan.

Facebook Comments