Suplay ng isda para sa darating na Semana Santa, sapat pa ayon sa DA

Inihayag ngayon ng Department of Agriculture (DA) na sapat pa ang suplay ng isda sa nalalapit na Semana Santa.

Ito ang tiniyak ni DA Asec. Arnel de Mesa sa isinagawang press briefing ngayong araw.

Ayon kay Asec. De Mesa, sa usapin naman sa inaasahang pagtaas sa presyo ng isda ng mga retailers, ito ay dahil in-demand sa mga consumer ang isda tuwing Holy Week.


Paliwanag pa ni De Mesa, 15 hanggang 30 porsyento naman ang kadalasang itinataas sa presyo ng isda sa merkado.

Magreresulta ito sa pagbaba sa konsumo sa karne na inaasahan nilang tatagal lamang ng ilang araw.

Dagdag pa ni De Mesa, imo-monitor din nila ang hindi makatuwirang pagtaas sa presyo ng bilihin sa mga palengke sa Metro Manila.

Facebook Comments