SUPLAY NG ISDA SA REGION 1 SAPAT BAGO ANG SEMANA SANTA

Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Ilocos Regional Office na nananatiling sapat ang produksyon ng aquaculture sa rehiyon sa kabila ng mga kamakailang pag-ulan at tumataas na temperatura bago ang semana Santa.

Ayon kay Rosario Segundina Gaerlan, ang direktor ng BFAR Ilocos Region, ang rehiyon ay mayroong self-sufficiency rate na higit sa 100 porsyento, kung saan ang Pangasinan ang may pinakamalaking ambag sa suplay ng isda.

Sinabi ni Gaerlan na noong 2024, ang Ilocos Region ay nakapagtala ng aquaculture production na mahigit 62,000 metric tons, at sa Pangasinan lamang ay nakagawa ng 57,895 metric tons.

Ayon pa kay Gaerlan, ang rehiyon ng Ilocos ay higit na nakatuon sa aquaculture kumpara sa ibang rehiyon na mas umaasa sa pangingisda.

Bagama’t mataas ang heat index sa kasalukuyan, sinabi ni Gaerlan na maliit lamang ang epekto nito sa produksyon sa rehiyon, dahil ang mga tagapag-alaga ng isda ay sanay na sa mga gawain tuwing tag-init.

Sa ngayon, mayroon nang mahigit 136,000 na mga mangingisda sa rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments