SUPLAY NG ITLOG SA DAGUPAN CITY, NANANATILING MATATAG SA KABILA NG MAINIT NA PANAHON

Nananatiling matatag ang suplay ng itlog sa Dagupan City sa kabila ng nararanasang mainit na panahon, ayon sa ilang tindera ng itlog. Ani ng ilang nagtitinda ng itlog sa Downtown area, marami pa rin umano ang ibinabagsak na suplay ng Itlog ngunit kapansin pansin na ito ay may kaliitan.

Naglalaro ang presyo ng itlog kada piraso mula 7 pesos para sa small size, 8 pesos sa medium size, 8.50 pesos sa large size, 9 pesos ang extra large at 10 pesos ang jumbo. Samantala, ang suplay Umano ng kanilang mga ibinebentang Itlog ay mula sa Sta. Barbara at San Fabian. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments