Sa kabila ng mahaba-habang poultry ban sa lalawigan ng Pangasinan, wala daw dapat ikabahala ang publiko sa itlog dahil sapat umano ang suplay nito sa merkado ayon sa Provincial Veterinary Office ng Pangasinan.
Ito ang sinabi ni Dr. Arcely Robeniol, Officer In Charge ng Pangasinan Provincial Veterinary Office sa panayam ng IFM Dagupan, na base umano sa kanilang mga nakukuhang record ay wala nakikitang kakulangan ng suplay ng itlog sa probinsiya dahil unang-una aniya ay mayroon namang dumarating na suplay ng itlog mula sa Bulacan, Pampanga at Tarlac kung saan binanggit nito na mayroon din umanong egg producers ang lalawigan na nakakatulong na maging sapat ang itlog.
Base sa Malimgas Public Market sa Dagupan City, ang presyo ng itlog na large sized ay nasa P10 kada piraso, P8-9 naman ang presyo ng medium at nasa P7 ang small na sized nito.
Bukod sa sapat ang itlog, ay sapat din aniya ang suplay ng poultry meat products sa lalawigan dahil marami naman umano ang pumapasok na produkto at pasok sa guidelines ng Executive order ng ban at sinabi nito na marami naman ang mga poultry dressing department ang lalawigan.
Samantala, sinabi pa ng opisyal na nagkakaroon din sila ng regular na monitoring at surveillance sa mga poultry layer maging sa mga broiler farm kung saan parte aniya ng kanilang mandato na may layuning kanilang masigurado na nasa maayos na kalagayan ang mga inaalagaan mga manok. |ifmnews
Facebook Comments