
Sa kabila ng sapat na suplay ng itlog sa merkado, inirereklamo ng mga retailer ang pagliit sa sukat nito.
Nagiging matumal kasi ang bentahan kapag sobrang liit ng itlog.
Sa ngayon, naglalaro ang presyo ng extra small size na itlog sa ₱5.00 at mabibili ng ₱150 per 30 piraso, habang ung small size naman ay nasa ₱7 hanggang ₱7.50 o ₱210 per 30 piraso.
Habang ‘yung medium size naman ay na sa ₱8 at large size na mabibili sa ₱9.
Giit naman ng ilang mamimili, na naramdaman naman nilang bumaba kahit papano ang presyo ng itlog nitong mga nagdaang araw.
Facebook Comments









