Ito ang kinumpirma ni Regional Executive Director Narciso Edillo sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya sa programang Unang Radyo, Unang Balita.
Ayon kay Edillo, takot sa avian influenza (H5N1) ang nagiging problema sa suplay ng itlog sa mga pamilihan.
Nananatili naman sa tatlumpu’t limang porsyento (35%) ang sufficiency pagdating sa suplay ng itlog sa lambak ng Cagayan.
Samantala, wala aniyang dapat ikabahala ang publiko pagdating sa suplay ng manok sa rehiyon subalit nagkaroon lang ng pagtaas ng presyo gawa ng mataas na transport cost at mga feeds na pinapakain sa mga alagang manok.
Naapektuhan rin ang production ng mga nag-aalaga ng manok dahil na rin sa takot sa avian influenza virus kung saan, nagbawas ang mga ito mula sa dating kapasidad ng kanilang mga poultry animals.