Suplay ng karne, nanatiling matatag sa kabila ng banta ng COVID-19 ayon sa DA

Nanatiling sapat at matatag ang suplay ng karne ng manok at baboy para sa konsumo ng publiko.

Pinawi ni Agriculture Secretary William Dar ang pangamba ng publiko kasunod ng pahayag ng Philippine Association of Meat Processors Inc. na kukulangin na ang meat products dahil sa COVID-19.

Ayon kay Dar, base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) at sa konsultasyon sa industry stakeholders, may sapat na suplay ng karne ng manok at baboy hanggang June 2020.


Pinapagulong na ng Department of Agriculture (DA) ang mga interventions para mapataas ang produksyon ng karne kabilang na ang pinalakas ang livestock at poultry production sa ilalim ng Ahon Lahat, Pagkaing Sapat Kontra COVID-19.

Sa katunayan ani Dar, batay sa pagtaya ng DA, malalampasan nito ang 24% na target annual requirement na 1.3 million metric tons na chicken supply pagsapit ng January 2021.

Facebook Comments