Ipinahayag ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na walang shortage o pagsasalat ng pork suplay sa pamilihan lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan.
Ayon kay SINAG Chairman Rosendo So, mayroon lang umanong nagsasamantala o mga economic saboteur na gustong palitawing may pagsasalat para mabigyang katwiran ng mga importer at trader ang mataas na presyo ng karne ng baboy sa mga pamilihan.
Ayon kay SINAG Chairman Rosendo So, lumilitaw sa mga government data na umaapaw pa nga ang pork suplay sa mga cold storage.
Ngayon lingggo lang aniya ay mayroong 110 million kilos na dumating.
Ito ang pinakamalaking recorded stocks ng pork imports na naideklara.
Marami pa aniyang nakapilang reefer vans kaya halos ay wala nang mapaglagyan ang mga imported pork.
Dagdag ni So, may sapat na suplay ng karne ng baboy hanggang unang quarter ng 2023 kung kaya’t may sapat para sa pangangailangan ngayong kapaskuhan.