Suplay ng karne ng baboy sa Metro Manila, bumubuti na; pagbibigay insurance sa mga commercial hog raisers, pinag-aaralan na ng gobyerno

Bumubuti na ang suplay ng karne ng baboy sa mga pamilihan sa Metro Manila.

Ito ang kinumpirma ni Department of Agriculture (DA) Sec. William Dar matapos makaranas nang pagtaas ng presyo ng karne ng baboy at manok sa merkado.

Ayon kay Dar, bukod sa bumuti na ay bumaba na rin ang presyo ng karne ng baboy.


Nabatid na sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture na pinamumunuan ni Sen. Cynthia Villar, kinumusta ni Sen. Risa Hontiveros kay Dar ang tatlong linggong pagpapatupad ng 60-day price ceiling sa karne ng baboy.

Sagot ni Dar, nakakarating na sa Metro Manila ang mga karne ng baboy na nagmumula sa iba’t-ibang rehiyon.

Habang ikinokonsidera na rin aniya ang pagbibigay rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte na paiksiin o bawiin na ang 60 araw na pagpapatupad ng price ceiling.

Sa ngayon, pinag-aaralan na ng gobyerno ang pagbibigay ng insurance sa mga commercial hog raisers para palakasin ang suplay ng baboy sa bansa.

Paliwanag ni Cabinet Sec. Karlo Alexei Nograles, isa ito sa mga inisyatibo ng gobyerno para matulungan ang mga hog farmers.

Ang pondo ay magmumula sa quick response fund ng DA.

Facebook Comments