Suplay ng kuryente, hindi maapektuhan sa nakatakdang maintenance shutdown ng Malampaya sa Setyembre

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Energy na hindi maaapektuhan ang supply ng kuryente sa bansa sa nakatakdang maintenance shutdown ng Malampaya gas facility sa susunod na buwan at sa buwan ng Setyembre.

Nabatid na 500 megawatts ang inaasahang mababawas sa supply sa gagawing unang shutdown na naka-schedule sa July 15 at 16.

Habang 1,100 megawatts naman ang mababawas sa supply sa pangalawang shutdown sa September 23 at 24.


Pero ayon sa DOE – itinapat nila ang maintenance shutdown ng weekends, kung saan mababa ang demand ng kuryente.

Paliwanag pa ng kagawaran ang anumang problema sa supply ay maaring matugunan gamit ang kanilang uninterruptible load program kung saan rin maaapektuhan ang presyo ng kuryente.

Facebook Comments