SUPLAY NG KURYENTE | Luzon, isinailalim sa yellow alert ng NGCP

Manila, Philippines – Isinailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa yellow alert ang buong Luzon dahil sa kakapusan ng reserbang kuryente.

Bunsod ito ng hindi inaasahang shutdown ng ilang planta.

Ayon sa NGCP, nasa 9,971 megawatts lang ang available capacity ng kuryente sa Luzon pero aabot sa 9, 018 megawatts ang peak demand.


Umiral ang alerto kaninang alas 11:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali na susundan mamayang alas 2:00 hanggang alas 4:00 ng hapon.

Kaugnay nito, pinapayuhan ang publiko na magtipid muna sa pagkonsumo ng kuryente gaya ng hindi pagbubukas-sara sa refrigerator kung hindi kinakailangan, paglilini ng elisi ng electric fan at aircon vents at pag-unplug ng mga appliances na hindi naman ginagamit.
<#m_4016322503508060815_m_-9166113602719865960_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments