Sinimulan ng solusyunan ng lokal na pamahalaan ng Infanta ang daing ng mga indigent beneficiaries sa Infanta House Resettlement kaugnay sa usaping housewiring at pagpapailaw sa pabahay.
Sa isang pagpupulong, inilapit sa Pangasinan I Electric Cooperative (Panelco I) ang naturang usapin na nagbigay katiyakan sa malapit nang pagpapatupad ng service drop connection sa mga kabahayan.
Samantala, sinagot ng lokal na pamahalaan ang bayarin ng mga residente upang mapagaan ang pinansyal na pasanin sa pag-usad ng proseso sa pailaw sa lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










