Suplay ng kuryente ngayong araw, normal – NGCP

Normal ang suplay ng kuryente sa bansa ngayong araw.

Sa harap ito ng nagpapatuloy na bilangan para sa katatapos lang na midterm elections.

Matatandaang nagbabala noon ang Department of Energy (DOE) na posibleng magkaroon ng yellow alert dahil sa inaasahang pagtaas ng demand sa kuryente, isang araw pagkatapos ng halalan.


Pero base sa 2019 situation update na inilabas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kaninang alas 9:00 ng umaga normal pa rin ang operasyon ng lahat ng kanilang pasilidad at transmission lines.

Dahil dito, walang pagnipis sa reserbang kuryente ngayong araw maliban na lang kung may pumalyang planta.

Facebook Comments