SUPLAY NG KURYENTE | Publiko, pinayuhan na magtipid ng kuryente lalo na’t papalapit na ang summer

Manila, Philippines – Pinayuhan ng Meralco ang publiko na magtipid ng kuryente lalo’t nalalapit na naman ang Summer Season.

Tuwing tag-init, madalas nagkakaroon ng kakapusan ang suplay at posibleng makaranas ng brownout o blackout ang ilang lugar.

Nagpaalala rin ang Meralco, na asahan na ang 30 hanggang 35 porsyentong pagtaas ng singil sa kuryente simula ngayong buwan.


Paliwanag ng Meralco, normal ang taas-singil tuwing tag-init dahil sa seasonality consumption kung saan mas mataas na enerhiya ang ginagamit.

At dahil mataas ang demand sa kuryente kasabay na rin nito ang pagmahal ng suplay.

Facebook Comments