Suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Samar na naapektuuhan ng Bagyong Dante, naibalik na

25

Inihayag ngayon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na naibalik na ang suplay ng kuryente sa ilang lugar sa lalawigan ng Samar na seniserbisyuhan ng Samar Electric Cooperative 1.

Sa inilabas na anunsyo ng NGCP, nakumpuni na ang bumagsak na Calbayog- Bliss 69 kilovolt transmission line.


Paliwanag ng NGCP na nanatili pa ring bagsak at hindi pa available ang Paranas-Quinapondan 69 kilovolt line na nagseserbisyo sa Eastern Samar Electric Cooperative.

Gayundin ang Calbayog-Palanas Cara 69 kilovolt line na nagseserbisyo sa Samar Electric Cooperative 1 at Northern Samar Electric Cooperative.

Ang pagkawala ng suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng lalawigan ng Samar ay dulot ng Bagyong Dante.

Facebook Comments