Suplay ng kuryente sa mga lugar na sinalanta ng bagyo, malapit nang maibalik –NEA

Naibalik na ang suplay ng kuryente sa halos karamihan sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Kristine.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni National Electrification Administration (NEA) Administrator Anthony Almeda, ang Iriga sa Camarines Sur na lamang ang mabagal pa ang pagpapabalik ng suplay ng kuryente na nasa 54% pa lamang.

Nasa 62% naman nang naibalik ang supply sa Albay, 76% sa Naga City, 72.6% sa Batangas ay 72.6%, at 100% sa Ilocos Norte.


Habang ang Catanduanes ay nasa 92% at inaasahang makukumpleto na bukas, October 30.

Tiniyak ni Almeda na ang mga critical service tulad ng mga ospital, evacuation centers, mga pantalan sa Matnog, Sorsogon at Allen Northern Samar ay may suplay ng kuryente para tuloy-tuloy ang operasyon.

Nag-deploy na rin aniya sila ng dagdag na manpower, at boom trucks para tumulong na maibalik na ang suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments