Suplay ng kuryente sa mga naapektuhan ng lindol sa Visayas, posibleng maibalik na sa Lunes – ayon sa Energy Dept.

Manila, Philippines – Posibleng maibalik na ang suplay ng kuryente sa buong Leyte, Samar at Bohol sa Miyerkules, Hulyo 19.

Ayon kay Energy Spokesperson, Undersecretary Wimpy Fuentebella – ito’y kapag mananatiling maganda ang panahon at hihina na ang mga maitatalang aftershocks habang kinukumpuni ang mga transformers na nasa Ormoc substation.

Sa ngayon, nasa 20-porsyento pa lamang ng mga naapektuhang lugar ang naibalik ang serbisyo.


Facebook Comments