Suplay ng kuryente sa Mindanao, target maibalik bago mag-Pasko; pero pagbabalik ng kuryente sa Visayas, matatagalan pa – NGCP

Nagpapatuloy pa ang damage assessment ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.

Ayon kay NGCP spokesperson Atty. Cynthia Alabanza, pinakamatindi ang pinsala ng bagyo sa Cebu, Bohol at Surigao provinces.

Aniya, target ng NGCP na maibalik ang suplay ng kuryente sa Surigao del Norte at del Sur bago mag-Pasko habang sa Miyerkules naman ang sa Agusan del Norte at Agusan del Sur.


Pero paglilinaw ni Alabanza, maibalik ang kuryente sa mga main highway ay posibleng hindi agad ito makarating sa mga bahay-bahay.

Samantala, aminado naman si Alabanza na posibleng matagalan pa bago maibalik ng suplay ng kuryente sa Visayas partikular sa Bohol.

Aniya, hindi sila agad nakapagsagawa ng aerial inspection dahil sa masamang panahon.

Nabatid na sa Bohol, pitong tore ng NGCP at mahigit 200 poste ng kuryente ang pinadapa ng Bagyong Odette.

Facebook Comments