Balik na sa normal ang suplay ng kuryente sa buong Pangasinan na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Florita kahapon.
Ayon sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), nakumpuni na ang bumigay na Labrador-Bolinao 69kV Line na nag-su-supply ng kuryente sa Central Pangasinan Electric Cooperative Inc., (Cenpelco) at Pangasinan 1 Electric Cooperative (Panelco 1).
Sinisikap na lang ngayon ng NGCP ang pagkumpuni pa sa hindi pa gumaganang 500kV transmission line.
Kumikilos na ang mga line crew at nagsusumikap na maibalik sa lalong madali panahon ang operasyon ng nasabing transmission line.
Sa pangkalahatan, nanatili pa rin ang normal ang operasyon ng mga transmission lines at pasildad ng NGCP lalo na sa mga lugar na dinaanan ng Bagyong Florita.