Magkakaroon na ng suplay ng kuryente sa Resettlement Housing Project sa Infanta matapos simulan ang paglalagak ng poste ngayong linggo.
Ayon sa lokal na pamahalaan, target na magkaroon na ng suplay ng kuryente sa housing project dahil mayroon nang ilang residente ang naninirahan doon.
Makakatulong umano sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga benepisyaryo at makakatulong sa pagpapanatili ng kaligtasan kapag mayroong suplay ng kuryente sa lugar.
Matatandaan na 54 duplex units para sa mga kapos na residente ang inilunsad ng National Housing Authority at lokal na pamahalaan noong 2021.
Nagpatuloy naman ang registration process ng pabahay para sa mga nagnanais makakuha ng unit noong Hulyo ng nakaraang taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









