Hindi pa rin naibabalik ang suplay ng kuryante sa maraming lugar sa Southern Leyte.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Leyte Governor Damian Mercado na wala pang 30% ng mga lugar sa probinsiya ang may kuryente na.
Base aniya sa pahayag ng Southern Leyte Electric Cooperative, baka Marso o Abril pa maibalik ang power supply sa buong probinsiya.
Ayon pa kay Mercado, tumutulong na ang mga electric cooperative sa rehabilitasyon ng mga lugar na matinding tinamaan ng bagyo.
Facebook Comments