Nasa 85% ng mga linya ng kuryente sa Surigao del Norte ang bumagsak dahil sa Bagyong Odette.
Ayon sa Surigao del Norte Electric Cooperative, malabong maibalik ang suplay ng kuryente sa probinsya bago ang Pasko.
Posible anilang abutin ng tatlo hanggang anim na buwan bago maibalik sa normal ang suplay ng kanilang kuryente.
Habang sisikapin naman ng Surigao Metropolitan Water District na maibalik ang suplay ng tubig sa loob ng isang linggo.
Nabatid na apat na araw nang walang suplay ng kuryente at tubig sa Surigao del Norte mula nang tumama ang Bagyong Odette.
Facebook Comments