SUPLAY NG LOKAL NA BAWANG, NAHIHIGITAN NG MGA IMPORTED NABAWANG SA ILANG BAYAN SA PANGASINAN

Nahihigitan ng mga imported na bawang ang mga lokal na bawang dahil sa kakulangan nito ng suplay ngayon, ito ay ayon sa Department of Agriculture Region 1.
May presyong 100 kada kilo lamang ng mga imported na bawang mula sa bansang Taiwan.
Nagiging matumal naman ang bentahan ng lokal na mga bawang dahil sa pagdami ng mga imported na bawang at nararanasan ito tulad na lamang sa ilang pamilihan sa bayan ng Mangaldan.

Paglilinaw din ng DA 1, mga sitwasyong kulang sa suplay at tumataas ang demand, sa importasyon talaga ang takbuhan ng mga merkado.
Samantala, umaasa pa rin ang DA na sa nalalapit na harvesting season sa Region 1 sa buwan ng Pebrero ay tataas na ang lokal na produksyon ng bawang. |ifmnews
Facebook Comments