MANILA – “Matatag ang suplay ng manok sa bansa”, Ito ang sinabi ng Bureau of Animal Industry sa kabila ng tumataas na kaso ng NewCastle Disease.Sa interview ng RMN kay Animal Industry Veterinary, Epidemiologist Dr. Ronnie Domingo, tiniyak nitong walang “shortage” o kakulangan ng manok sa mga pamilihan.Sinabi pa Domingo na walang dapat ipangamba ang publiko sa NewCastle Disease dahil wala itong epekto sa tao.Kaugnay nito, nagsasagawa na ang Department of Agriculture ng malawakang pagbabakuna sa mga manok upang makontrol ang pagkalat nito.Sa huling datos ng ahensya, nasa limang daang libo sa luzon ang tinamaan ng sakit kung saan nangunguna ang Nueva Ecija na umabot na sa 160,000 ang namatay na manok.
Facebook Comments