Patuloy ang pagbaba ng suplay ng medical oxygen sa Mindanao Province.
Ayon kay Dr. Joshua Brillantes, Regional Director ng Department of Health (DOH) Region 9, bunsod ito ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.
Isa rin sa dahilan ang hirap na nararanasan ng mga supplier para ma-refill ang mga tangke ng oxygen.
Nitong martes, bagama’t umabot sa 200 oxygen tanks ang naipadala sa Zamboanga del Sur, hindi pa rin ito sa sapat para matugunan ang pagtaas ng kaso.
Sa ngayon, nagpalabas na ng abiso ang Zamboanga Medical Center na nasa critical level na ang suplay ng oxygen sa lalawigan kung saan pinayuhan ang mga pasyente na magdala na ng sariling oxygen.
Facebook Comments