Suplay ng mga paputok sa bansa, kapos

Kulang ang supply ng paputok bansa.

Ayon kay Joven Ong, Presidente ng Philippine Fireworks Association of the Philippines – konti lang kasi sa kanilang mga miyembro ang gumawa ng labintador at iba pang paputok sa halip ay tumutok sa paggawa ng mga pailaw o fireworks.

Ito ay epekto aniya ng hindi masyadong pagkaunawa ng publiko sa Executive Order 28 o ang paglilimita sa paggamit ng paputok.


Kasabay nito, nilinaw ni Ong na ang ipinagbabawal na piccolo ay hindi locally manufactured bagkus ay produkto ng China na iligal na ipinapasok sa bansa.

Kaya panawagan ng grupo sa mga ahensya ng gobyerno, higpitan pa ang seguridad sa importasyon ng mga delikadong produkto tulad ng piccolo.

Samantala, sa pinakahuling tala ng DOH umabot na sa 13 ang bilang ng nabiktima ng paputok, isang linggo bago ang Bagong Taon.

Ang mga pasyenteng ito ay nasa edad dalawang hanggang 28 taong gulang.

Facebook Comments