Suplay ng mosquito fish kontra dengue unlimited- BFAR Dagupan

Unlimited ang suplay ng mosquito fish sa Bureau of Aquatic Resources National Integrated Fisheries Technology Development Center o BFAR-NIFTDC na isa sa nakikitang maaaring makatulong sa pagpuksa ng mga lamok na carrier ng dengue.

Sa panayam ng ifm dagupan kay dr. Westly rosario, bfar chief ng dagupan, natural na dumarami ito sa 35 ektaryang lupain ng ahensya.

Hinuhuli ang mga ito sa bfar-niftdc at ipinapamahagi upang makatulong na makontrol o mapababa ang mosquito larvae.


Ngayong araw nakatakdang magpamahagi ang ahensya sa tatlong eskwelahan na humiling na sila ay mabigyan ng mosquito fish.

Hinikayat ni Dr. Rosario ang publiko na magpunta sa kanilang himpilan sa Bonuan Binloc Dagupan City upang mabigyan ng mosquito fish.

Ayon din sa opisyal ang mosquito fish ay maaring kainin. Katunayan may mga lugar sa Bicol na di umanoy ito ay kinakain ng publiko.

Photo Credit: Dr. Westly Rosario

Facebook Comments