Manila, Philippines – Nakalaan na lamang sa panahon ng kalamidad ang suplay na bigas ng National Food Authority (NFA).
Ayon kay NFA administrator Jayson Aquino, batay sa kanilang inventory, mayroon na lamang 1.2 million na sako ng bigas ang NFA na magtatagal na lamang ng tatlumpu’t limang araw.
Hindi na aniya sila magsusuplay pa sa merkado dahil inilalaan nila ito sa pangangailangan ng mga apektadong residente sa pagputok ng bulkang Mayon sa Albay.
Umaasa si Aquino na papayagan ng NFA council ang 250,000 metric tons na aangkating bigas para maisuplay sa pamilihan.
Hindi aniya ito inirekomenda ng NFA Council dahil masagana naman ang supply ng commercial rice.
Tiniyak din ni Aquino na walang nangyayaring rice shortage sa bansa dahil marami pa ring supply ng commercial rice.