Suplay ng pagkain sa bansa, sasapat hanggang susunod na 3 buwan, ayon sa IATF

Tiniyak ng Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases (IATF-EID) na sasapat ng hanggang tatlong buwan ang suplay ng pagkain sa bansa sa harap pa rin ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon.

Ayon kay IATF Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, tuluy-tuloy ang pagdating ng suplay ng pagkain gaya ng manok, baboy at gulay mula sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.

Aniya, hindi rin magkukulang sa suplay ng bigas sa mga susunod na buwan dahil nakatakdang mag-angkat ang bansa ng 300,000 metriko toneladang bigas.


Maliban dito, tiniyak din ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na paparating na rin ang 1.3 million metric tons (mt) ng bigas mula Vietnam, Thailand at Myanmar.

Aniya, una nang dumating ang inangkat na 500,000 mt ng bigas ng bansa.

Facebook Comments