Bagamat sapat ang suplay ng dugo sa Pangasinan kinukulang naman ang suplay ng platelet concentrates dito ayon sa Red Cross Pangasinan.
Ayon kay Chris Mark Brillantes, Quality Assurance of Blood ng Red Cross Pangasinan Chapter, kinukulang umano ang suplay nito dahil sa limang araw lamang ang life span at mabilis itong mairelease sa mga pasyenteng nangangailangan lalong lalo na sa mga biktima ng sakit na dengue. Aniya tuloy tuloy umano ang pagproseso nito sa kanilang blood centers upang matugunan ang pangagailangan maging mga karatig lugar ng Pangasinan.
Hinikayat naman nito ang publiko sa mga nagnanais na magdonate ng platelets. Dapat umano ay mayroong 220,000 platelet counts dahil ang normal nito ay 150,000 hanggang 400,000.
Samantala, sinabi ng opisyal na patuloy ang pangangailangan ng dugo sa Pangasinan lalo na ngayong idineklarang epidemya sa bansa ang sakit na dengue.
Suplay ng platelets concentrates sa Pangasinan, kinukulang
Facebook Comments