Umaasa ang Department of Agriculture (DA) na may mga maaani ng sibuyas kahit pa off-season para makatulong sa suplay nito ngayong holiday seasons.
Ayon kay DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez, sa ngayon ay aabot nalang sa 10,000 metriko tonelada ang suplay ng sibuyas sa bansa.
Pero, nakadepende aniya ito sa magiging demand ng sibuyas ngayong Pasko at Bagong-Taon.
Sa pang-karaniwang linggo, nasa 3,000 metriko tonelada lang umano ang demand ng sibuyas, pero habang papalapit ang holiday seasons ay posibleng lumakas ito.
Kaya naman, binigyang-diin ni Estoperez na malaking tulong kung may makakapag-suplay na mga lokal na nagtatanim ng sibuyas mula sa kanilang off season harvest.
Facebook Comments