Posibleng hanggang sa katapusan ng taon na lamang aabot ang mga natitirang suplay ng pulang sibuyas sa ilang cold storage facilities.
Dahil dito, nagsimula nang mag-imbentaryo ang Department of Agriculture (DA) ng suplay ng sibuyas sa bansa.
Ayon sa DA, depende aniya sa resulta ng kanilang imbentaryo kung mag-aangkat na ng sibuyas ang bansa habang pinalalakas pa ang lokal na produksyon nito.
Inaalam na rin ng ahensya kung may mga iligal na nagpupuslit ng sibuyas.
Kaugnay nito, pinaplano naman ng kamara na lakihan ang multa sa mga masasangkot sa smuggling ng agricultural products.
Sa ngayon, nasa P280 pesos na ang kilo ng pulang sibuyas sa ilang pamilihan, na higit P100 mas mataas sa itinakdang presyo ng DA noong Oktubre.
Facebook Comments