SUPLAY NG SIBUYAS SA MERKADO LALO NA SA PANGASINAN, SAPAT AYON SA SINAG

Sapat ang suplay ng sibuyas sa merkado lalo na dito sa lalawigan ng Pangasinan ayon sa grupong Samahan ng Industriya ng Agrikultura o SINAG.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan Kay Sinag Chairman Engr. Rosendo So, nasa cold storage na ngayon ang mga sibuyas kung saan ay nakitaan ito ng bahagyang pagtaas.
Bagamat dito sa Pangasinan na Isa sa mga nagtatanim ng sibuyas, nananatiling mababa ang presyo nito at sapat pa para sa pangangailangan ng mga Pangasinense.

Nasa ₱100 hanggang ₱110 Pesos per kilo ng sibuyas mula sa mga cold storage sa Pangasinan.
Ang pinangangambahan lang nila aniya ay baka maulit ang insidente noong nakalipas na taon na umabot ng mahigit 700 pesos per kilo ng sibuyas matapos bumaba ang suplay nito nang hindi pakinggan ang panawagan na mag import ng mas maaga. |ifmnews
Facebook Comments