Nagkakaubusan na ng suplay ng Tocilizumab sa ilang ospital sa bansa.
Ang Tocilizumab ay isang gamot na pangunahing gamit laban sa rheumatoid arthritis at ginagamit na rin sa COVID-19 treatment.
Ibinibigay ito sa mga severe at critical COVID-19 patients na kailangan na ng ilang pribadong ospital sa bansa.
Umorder naman ang ilang pribadong ospital ng Tocilizumab pero wala pang dumarating na suplay kaya pamilya mismo ng mga pasyente ang naghahanap ng gamot.
Ang Tocilizumab ay isang anti-inflammatory drug na nasa P14,000 hanggang P28,000 ang maximum retail price, pero umaabot ng P30,000 hanggang P40,000 ang bentahan.
Tiniyak naman ng Department of Health na may sapat na suplay ang mga pampublikong ospital sa bansa at puwede itong ipahiram muna sa mga walang suplay.