SUPLAY NG TUBIG | P76-M na halaga ng Marawi water system project, mapapakinabangan ng mga taga Marawi – DILG

Marawi City – Makakaasa ng mas malinis at tuloy-tuloy na suplay ng tubig ang mga residente sa lugar na pinangyarihan ng bakbakan sa Marawi City.

Kasunod ito ng water system project na gagastusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng P76-million sa ilalim ng “Sagana at Ligtas na Tubig para sa Lahat Program”.

Ayon kay DILG OIC, Secretary Eduardo Año, aabot sa 2,156 na kasambahayan sa Marawi City ang direktang Makikinabang sa water project system na target na matapos sa December 2019.


Kabilang sa mga prayoridad ng Salintubig project barangay ay ang Sagonsongan, Mipaga, Emie Punod, Basak Malutlut, East Basak, Poblacion at Moriatao Loksadato.

Bilang martial law administrator sa Marawi City, malaki ang kontribusyon ni Año bilang DILG chief mula sa pagbawi sa lungsod mula sa kamay ng mga local terrorist group hanggang sa antas ng rehabilitasyon.

Facebook Comments