SUPLAY NG TUBIG SA KABILA NG MAINIT NA PANAHON, NANATILING SAPAT

Sapat at matatag umano ang suplay ng tubig sa lungsod ng Dagupan ayon sa water provider na PAMANA.

Ayon sa tanggapan,naggegenerate umano ito ng 1 million cubic meter sa lungsod na sapat naman umano para sa populasyon.

Diumano, sobra pa ito sa kailangan ng kinokonsumo ng tao.

Samantala, siniguro ng PAMANA na malinis at potable ang tubig nito dahil sa isinasagawa nilang mga water tests.

Inaasahan naman na tataas ang konsumo ng publiko ngayong tag-init gayundin aa pagdagsa ng mga turista ngayong Bangus Festival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments