Suplay ng tubig sa Metro Manila, normal hanggang Mayo sa kabila ng patuloy na pagsadsad ng lebel ng tubig sa Angat Dam

Lalo pang bumagsak ang lebel ng tubig sa Angat Dam ngayong araw bunsod ng nararanasang weak El Niño sa bansa.

Kaninang alas 6:00 ng umaga, sumadsad sa 179.50 Meters ang antas ng tubig sa Angat na mas mababa kumpara sa minimum operating level na 180 Meters.

Sa kabila nito, tiniyak ng National Water Resources Board (NWRB) na mananatiling normal ang suplay ng tubig sa Metro Manila para sa buong buwan ng Mayo.


Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr., may binuo na silang technical working group na nag-aaral sa posibilidad na pagbabawas ng alokasyon sa domestic use sa National Capital Region para sa buwan ng Hunyo.

Habang babawasan na rin ang alokasyon ng tubig para sa irigasyon simula sa Mayo a-Uno at tuluyang sususpendihin pagsapit ng may 15 na umpisa ng anihan.

Samantala  wala namang nabawas sa lebel ng tubig sa La Mesa Dam na nasa 68.45 Meters habang bahagya namang nadagdagan ang sa Ipo, Ambuklao, Binga, Magat at Caliraya Dam.

Facebook Comments