Suplay ng tubig sa Metro Manila, sapat sa kabila ng mataas na demand at pagbaba ng antas ng tubig sa ilang dam ngayong summer season – MWSS

Mayroong sapat na suplay ng tubig sa Metro Manila sa kabila pa ng mataas na demand at pagbaba ng antas ng tubig sa ilang dam sa gitna ng summer season.

Ayon kay Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Manager for Field Operations Jose Escoto Jr., na ang antas ng tubig sa mga dam sa bans ay nananatiling nasa normal level at ang water service interruptions na nararanasan sa ilang bahagi ng National Capital Region (NCR) ay dahil sa maintenance repair works.

Kung ikukumpara aniya ang lebel ng dam ngayon kumpara noong nakalipas na taon, mas mataas pa rin ang antas ng tubig ng dama sa kaalaukuyan.


Sa kabila nito, humiling na ang MWSS ng karagdagang suplay ng tubig mula sa Angat dam mula sa National Water Resources Board (NWRB) bilang paghahanda na rin sa inaasahang pagbaba ng antas ng tubig sa may La Mesa Dam upang hindi na maulit ang nangyaring krisis sa tubig noong 2019.

Facebook Comments