Suplay ng tubig sa mga irigasyon na konektado sa Angat Dam, nananatiling sapat

Tiniyak ng National Irrigation Administration (NIA) na sapat ang supply ng tubig sa mga irigasyon na konektado ng Angat Dam.

Ayon kay NIA Public Affairs and Information Staff Pilipina Bermudez –  hindi maapektuhan ang mga panananim sa mga naturang lugar dahil malapit nang anihin ang mga ito.

Maliban dito, nagkaroon na rin ng kasunduan ang NIA at mga magsasaka na ipagpapatuloy ang pagtatanim sa buwan ng Hunyo at Hulyo upang hindi sila maapektuhan sa rehabilitasyon ng mga irrigation facilities sa buwan ng Abril.


Facebook Comments